Chapter 55: A Date

141 3 0
                                    

Masaya lang ako dahil kasama ka...

Kahit saan ako magpunta basta nandiyan ka...

Alam kong wala na kong hahanapin pang iba...

Dahil alam kong pagmamahal mo lang ay sapat na...

LANCE

Nang matapos ang pag-uusap ni Kim at Jasmine ay mas naging okay pa ang relasyon namin dalawa ng babaeng mahal ko. Siguro dahil mas naging secure ang pakiramdam niya kapag kasama niya ko. Lahat kasi ng mga tanong namin sa isa't isa noon na hindi nasagot ng maayos ay nasagot na. I am happy with what is happening to my life right now. Everything seems right, I got the woman that I love. My career is good and my businesses is doing great as well, what more could I ask for? Everything is perfect. Kasal na lang ang kulang at lahat plantsado na.

Yes! I am planning to get married. Siyempre kay Jasmine lang naman ako papakasal. I want it sooner rather than later. Mahirap na at baka may mangyari na naman na aberya at mapunta na naman kung saan yung love story namin. I am just being cautious. Sabihin nang nagmamadali pero gusto ko na talagang maikasal sa kanya at alam kong ganoon din naman ang gusto ni Jasmine. Long over due na din naman kasi itong kwento namin. Kailangan ng lagyan ng happy ending.

"Heart, what are you thinking?" sabi ni Jasmine na nakahiga sa balikat ko. Nagising ako sa malalim na pag-iisip at napatingin sa kanya. Hinalikan ko ang noo niya at mas lalo pa siyang kinabig palapit sa akin. Nandito kami ngayon sa isang movie theater at nanonood ng movie. Medyo pribado itong sinehan kaya walang mga fans na iistorbo sa amin.

"May problema ba?" muling tanong niya at nakatingala siya sa akin. Mabilis kong hinalikan ang labi niya. Nakita kong kumunot ang noo niya. "You are not answering me." nakapout na sabi niya. Natawa ako. Ang cute niya talaga. This woman is really something. She can be gorgeous as hell, she can be oozing hot and she can be cute like this. Sa lahat ata ng anggulo maganda siya. "Lance?" tawag niyang muli dahil hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa maganda niyang mukha.

"There is nothing wrong sweets, I am just happy that we are free like this." sagot ko at ngumiti siya ng matamis sa akin. "Imagine all the problems that we had, we are lucky that we still ended up with each other." dagdag ko.

"Don't underestimate my love... kahit na gaano pa kalaking problema yan, we will still end up being together kasi we are meant for each other." nakangiting sagot niya. Napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"You are right. Kahit ano pang mangyari. Kahit anong problema pa ang dumating, we will choose to be together at haharapin natin lahat yan ng magkasama." sagot ko. Malambing siyang ngumiti sa akin at sa di ko malamang dahilan ay parang nahihipnotismo ako ng mga labi niya. Bakit ba ang ganda ng babaeng ito? Grabe hulog na hulog ako. At nang hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. She slowly close her eyes waiting for my kiss and that image of her is the most beautiful image that I've ever seen.

Dahan-dahan kong ninamnam ang mga labi niya. Her lips is the sweetest lips I ever tasted. Nakakabaliw... nakakalasing. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtugon sa mga halik ko at mas lalo ko siyang hinapit palapit sa akin upang mas mapalalim ko pa ang halik na pinagsasaluhan namin. Unti-unti kong ipinasok ang aking dila sa kanyang mga labi at narinig ko ang mahina niyang pagsinghap ng gawin ko iyon. Hinapit ko ang kanyang bewang at ipinagpatuloy ang halik.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa batok ko at ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko na para bang doon siya humahanap ng lakas upang tumugon sa mga halik ko. Pakiramdam ko biglang nag-init ang buong paligid lalo na ang buong katawan ko. Ito talaga ang laging epekto ng mga halik niya sa akin. Madali akong madala... madaling bumibigay ang sistema ko. Pinilit kong tumigil at lumayo sa kanya dahil baka hindi na ko makapagpigil pa. Namumungay ang mga mata niya ng tumingin ako sa kanya matapos kong bitawan ang mga labi niya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon