Chapter 32: Sweet

168 6 0
                                    

Hindi ko na kayang magkunwari sa nararamdaman...

Sa tuwing umiiwas ay palagi lang nasasaktan...

Sa tuwing nagpipigil ay lalo lang nahihirapan...

Ngayon ang puso ko ay ayaw ko ng pigilan.


LANCE

Kakagaling ko lang sa condo ni Jasmine at gusto kong murahin ng paulit ulit ang sarili ko dahil sa nangyari. Alam ko ang condo niya dahil hindi ako nakapagpigil nung nakakaraan at sinundan ko siya from the airport. Ang lakas makagago. Ang hilig ko siyang awayin. Ang hilig ko siyang inisin at paiyakin pero sa huli wala din naman akong magawa. Kanina ay lasing na lasing ako at ang mga walanghiya kong kaibigan ay basta na lang ako itinapon sa condo ni Jasmine. Wala ako sa hulog kanina. Ang buong akala ko nga ay nanaginip lang ako ng nasa harap ko siya kaya ng madikit ako sa kanya pakiramdam ko nag-init agad ang buong katawan ko. I miss her so damn much. OO na, inaamin ko ng sabik na sabik ako sa kanya. Na sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko ay mahal ko pa din siya. Akala ko noon ay wala na kong nararamdaman pero hindi pala, I never stop loving her, nandito lang yung pagmamahal ko, pilit kong itinatago.

Pilit kong tinatago ang nararamdaman ko dahil sa takot akong masaktan muli. Takot akong pagdaanan muli ang mga pinagdaanan kong sakit noon pero kagaya nga ng sabi ng mga kaibigan ko, if she is worth taking the risk, then I have to risk it all kung yun lang ang paraan para maging masaya ko ulit. Malay natin tama sila, baka there is another story that I didn't know. Maybe she really have her reasons before. Baka may mali din naman ako na hindi ko siya pinakinggan.

Ang nakakainis lang ay ang bwisit na nangyari kanina. Lasing ako kaya hindi ko nacontrol yung sarili ko. Kung hindi pala ako sinaway ni Jasmine ay malamang may nangyari na sa aming dalawa. Well, I won't do that unless na kasal na kami, sadyang nawalan lang ako ng kontrol kanina. Bwisit na alak yan, nilamon ang sistema ko. Nagpanic ako ng umiiyak na siya sa harapan ko kanina. Natauhan ako bigla at para akong binuhusan ng malamig na tubig. How could I do that sa babaeng mahal ko? I mean, hindi ako perfect. I have too many flaws at inaamin kong may mga nakatalik din akong ibang babae ng maghiwalay kami ni Jasmine. Hindi ako kasing linis ni Ethan na hindi tumikim ng babae ng maghiwalay sila ni Louise. Lalake lang ako at may pangangailangan pero kahit kaylan ay hindi ko inisip na magagawa ko yun kay Jasmine. Ang sarap murahin ng paulit-ulit ang sarili ko dahil sa nangyari.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng umiiyak na siya. It was a shock to my system as well lalo na at kahinaan ko ang pag-iyak niya. Mula noon, hanggang ngayon kapag umiiyak siya, bumibigay na ang sistema ko. Nagpanic talaga ako kanina at hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Natakot ako dahil ramdam kong nasaktan ko siya at galit talaga siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko ng sabihin niyang iginagaya ko siya sa mga babaeng ikinakama ko lang. Sa sobrang frustration ko ay wala akong nagawa kung hindi magsorry, yakapin at halikan siya para lang mapakalma ko siya. Luckily kumalma siya afterwards. Hindi ko din kasi alam sa sarili ko kung bakit kapag nahahalikan ko siya nawawala na ko sa katinuan. Ngayon ko lang ulit siya nahalikan after 5 years at hindi ko alam na kaya kong maging sabik ng ganoon! Pucha ang lakas lang makamanyak ah! Pero seriously, sabik na sabik ako sa mga labi niya. Nang magkadikit na kami doon ko nalaman na sobrang miss ko na miss ko na siya. Paano ba ko nabuhay ng limang taon kung ganitong isang halik niya lang pakiramdam ko lahat ng sama ng loob ko ay nawala.


Dumiretso ako sa condo ko para maligo at maghanda ng mga gamit ko para sa commercial shoot bukas. Madaling araw na din pala. 1:00 am na ko nakauwi. Kaylangan kong umidlip ng konti bago ako sumabak sa shooting bukas. Naligo ako saglit para mawala ang kalasingan ko at dumiretso na ko sa kama. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga labi niya. Pucha! naiisip ko pa lang ay nagrereact na ang katawan ko lalo na ang nasa baba ko. Daig ko pa ang tigang ng ilang taon ah! I need to control my hormones dahil kung hindi ay baka pag-awayan pa namin ito ni Jasmine. Siyempre, kasal muna bago kami maghappy-happy. Nagring ang phone ko at nakita ko si Kim na tumatawag. Sinagot ko agad.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon