Chapter 30: Nalilito

158 5 0
                                    




Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ito...

Alam ko kasing mahuhulog na naman ako sayo...

Pilit ko mang pigilan ang nararamdaman ko...

Isang ngiti mo lang ay alam kong bibigay ako...


JASMINE

Nagmamaneho na ko pauwi pero hindi pa din maalis sa isip ko yung mga ginawa ni Lance. One minute, he is a tiger ready to snap at me and then afterwards, he will act weird as if he is afraid to loose me. Ang weird lang talaga ng lalaking yun. Kung kailan naiisip ko ng titigil na ko sa pag-asang magkakabalikan kami ay tsaka naman siya gagawa ng bagay na nakakagulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung abnormal siya or what. Simula ng makabalik ako dito ay wala siyang ginawa kung hindi awayin ako tapos ngayon para siyang maamong tupa na bigla na lang makikipagkaibigan sa akin? Nababaliw na ba siya? Palabas na ng parking ang sasakyan ko ng makita kong tumatawag si Miley. Sinagot ko agad habang nagmamaneho ako tutal ay nakaloud speaker naman.

"Yes Mile." sagot ko.

"Alam mo bang darating na si Breeana next week?" tanong niya agad.

"Is that the new form of hello now?" sagot ko.

"Oh don't be sarcastic to me. Sagutin mo na lang ako, alam mo ba?" tanong niyang muli. I need to lie kagaya ng sabi ni Breeana ay walang alam yung dalawa.

"I don't know. Saan nyo nalaman na uuwi siya. We haven't spoke for a while." sagot ko.

"Kay Tito ko nalaman. Buti naman at hindi mo alam dahil hindi din namin alam ni Ambs, magtatampo na sana ako eh." sagot niya. Ganyan talaga silang dalawa nila Amber. Gusto nila alam nila lahat. Magtatampo yan kapag isa lang ang nakakaalam sa amin.

"Wag ka ng magtampo. Parang di niyo naman kilala si Bree."sagot ko.

"Alam ko. Nakakainis kasi yun eh, aalis tapos babalik ng bigla na lang. Ni wala man lang pasabi ang bruha. Kokonyatan ko yun." sagot niya na ikinatawa ko. Minsan talaga matabil ang dila nitong si Miley eh.

"Alam mo naman si Bree,madaming drama sa buhay."sagot ko.

"Sino ba sa ating apat ang wala?" sagot niya at tinamaan ako dun. "Anyway, Magkita tayo sa BGC ngayon. Hahatakin ko lang si Amber sa paghahybernate niya. Madami kang dapat ikwento." sagot niya.

"At ano namang ikukwento ko. Wala namang masyadong ganap." painosenteng sabi ko.

"Ah wala pala... kaya pala nung pagdating mo, halos masira ung airport sa dami ng tao, tapos dumating bigla yung knight in shining armor mo noh. Tapos may issue pa kanina sa mall... nakipagaway ka daw sa ex mo.. eh wala ka ngang ikukwento." sabi niya sabay tawa. Nakakaloka talaga. May tao pa bang hindi nakakaalam ng buhay ko? Okay lang naman kung sila Miley lang pero ang epic lang kasi na hindi pa ko nagkukwento eh may alam na sila.

"Wala akong alam dyan sa sinasabi mo." painosenteng sagot kong uli.

"Gusto mo spell out ko pa kung sino ang pag-uusapan natin?" sabi niya at hindi ako kumibo. "His name is Arthur Lance Suarez. Yung ex mong super papabol pa din hanggang ngayon at hanggang ngayon ay mahal mo pa din. Does his name ring a bell dear?" sagot niya. Tingnan mo itong babaeng ito. Sarap sabunutan. Alam naman niyang hindi ko gusto pag-usapan eh.

"Hindi ko kilala yun." sagot ko.

"Hay naku. tse! bilisan mo na. Pag di ka pumunta magtatampo ako." sagot niya, Yan lagi panakot nila sa akin eh. Alam kasi nilang di ako makakatiis.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon