Chapter 24: The Break UP

138 3 2
                                    

Akala ko magtatagal tayo...

Akala ko maiintindihan mo...

Pero hanggang dito na lang pala talaga tayo...

Hanggang dito na lang ang makakaya ng pagmamahal mo...

JASMINE

Hindi ako nakauwi ng Pilipinas. Hindi talaga nila ibinigay ang passport ko. Wala akong nagawa kung hindi umiyak hanggang sa naubos na lang ang mga luha ko sa mga mata. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko kay Lance. Hindi ko masagot ang mga tawag at text niya  dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Ngayon ay binabasa ko ang mga text niya habang pauwi ako. 

From My Heart <3:

Akala ko uuwi ka? Sweets, I need you here. 

From My Heart <3:

Ilang araw na lang ililibing na si Daddy, bakit wala ka pa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko? I am worried now. I love you.

From My Heart <3:

Jasmine, May problema ba tayo? Namatay na si Daddy, tapos wala ka pa din? Ganito ka ba talaga? Bakit ginagawa mo ito sa akin?

From My Heart <3:

Mas mahalaga ba talaga ang pangarap mo kaysa sa akin? Isang araw lang Jas... Isang araw lang ang hinihingi ko... dahil kailangan kita higit sa kanino man... hindi ko naman hinihingi na talikuran mo ang mga pangarap mo.. pero sana... sana kahit minsan, maging priority mo rin ako...

From My Heart <3:

Nailibing na si Daddy... I guess hindi na kita kailangang kulitin na umuwi. Just do whatever you want... hindi na kita pakikialaman. 

Umiiyak ako ngayon habang pauwi ako. Hindi ko alam kung maayos pa ba namin ito. Malamang ay galit na galit siya sa akin ngayon. Malamang ay ayaw niya na kong makita. Kahit ako ay nagagalit sa sarili ko eh. Dapat nandoon ako sa tabi niya. Dapat kasama niya ko noong mga panahong kailangan niya ko pero ano? Ako yung wala. Buti pa nga yung mga kaibigan ko eh, nandoon lahat sila. Samantalang ako na girlfriend niya ay missing in action. Kahit anong idahilan ko sa kanya, hindi nun majajustify na wala ako sa tabi niya ng mamatay ang daddy niya. 

Nabanggit sa akin ni Amber na may babae daw siyang madalas kasama sa funeral at laging nakaalalay sa kanya. Si Kimberly yun, yung kababata niya from States. Nabanggit niya sa akin ang pangalan niya noon. Sabi niya ay parang magkapatid na sila. Pero ng makita ko ang mga pictures na sinend nila Breeana ay hindi ko mapigilang magselos. Pero alam kong wala akong karapatang maramdaman yun dahil ako na nga ang wala, ako pa ang magseselos?

Nang makababa ako sa eroplano ay agad akong dumiretso sa condo niya. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nang makarating ako sa condo niya ay agad kong inilagay ang passcode dahil alam ko naman iyon. Nang makapasok ako ay agad ko siyang tinawag. 

"Lance... heart? I am here. Nasaan ka?" tawag ko pero walang sumasagot. Nagulat na lang ako ng makita kong may babae sa kusina niya. 

"Who are you?"tanong ko. Lumingon sa akin ang babae at nakita kong si Kimberly yun. 

"Oh, Jasmine, ikaw pala. Sorry, dito ako nagbreakfast. Nandiyan si Lance sa kwarto niya." sabi niya. Nakapaginit sa ulo ko na Lance din ang tawag niya sa boyfriend ko. Sa pagkakalam ko ay Arthur ang tawag sa kanya ng mga kaibigan namin. 

"Bakit nandito ka at nakapangbahay ka pa?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

"I am staying here, hindi ba nasabi ni Lance?" tanong niya. Nag-init ang dugo ko pero kumalma ako.  

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon