Pakiramdam ko ay nadudurog ako...
Sa bawat oras na tumatakbo at wala ka sa tabi ko...
Hindi ko alam kung kaya ko pa ito?
Ngayong unti-unting nawawala na ang katinuan ko...
LANCE
Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang flat line mula sa loob ng operating room. Pakiramdam ko pati pagtibok ng puso ko ay biglang huminto, kasabay ng paghinto ng tibok ng puso niya. Nanghihina akong napaupo. Nawala ang lahat ng lakas ko sa pagpupumiglas kanina. Pakiramdam ko hapong-hapo ako. Totoo ba ito? Totoo bang mawawala na sa akin ang babaeng pinakamamahal ko? Sa huli ba, dito lang kami magtatapos ni Jasmine after all the fights that we fought together? Hanggang dito na lang ba talaga?
Konti na lang ay nararamdaman ko ng bibigay na ang buong sistema ko. Pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko at papanawan na ko ng ulirat. Tulala akong nakatingin lamang sa labas ng operating room habang nakikita kong nagkakagulo na ang mga doctor at nurses. Naririnig kong nagsisigawan sila at nagpapanic silang lahat pero wala akong maramdamang lakas sa buo kong katawan. Gusto kong umiyak pero para bang wala ng gustong lumabas na luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong tawagin para humingi ng tulong. Gusto ko lamang ay mawala na ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Naramdaman kong unti-unti akong pumikit at taimtim na nanalangin na sana bumalik ang tibok ng puso ni Jasmine. I am not a religious person but I know that God exist. Naiiyak akong nagdasal na ibalik niya ang babaeng pinakamamahal ko.
Lord... alam kong hindi ako madalas lumapit sa inyo...
Alam kong hindi ako perpektong tao... madalas ay nagkakamali ako...
Madalas akong madapa... at madalas akong makalimot na nageexist ka sa buhay ko...
Patawad sa mga pagkukulang ko... sa mga pagkakamali ko...
Isa lang ang hinihiling ko...ibalik mo po sa akin ang babaeng pinakamamahal ko..
Ibalik mo po sa akin ang kaligayahan ko...dahil hindi ko alam kung paano pa mabubuhay kung mawawala siya sa tabi ko...
Nangangako akong magiging mas mabuting tao...mabuting anak NINYO... ibalik niyo lang po siya sa akin.
Naiiyak ako habang nagdadasal. Umaasa akong kahit ngayon lang mapagbibigyan ako. Umaasa akong kahit ngayon lang matutupad ang hiling ko. Nakapikit pa din ako at taimtim na umaasam na sana lahat ng ito ay panaginip lang. Naramdaman kong biglang tumahimik ang paligid at unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita kong nagbukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor. Agad akong tumayo at lumapit.
"Who is the patient's guardian?" tanong ng doktor na lumabas.
"I'm her boyfriend." agad kong sagot ng makalapit ako.
"We are able to revive the patient. The vital sign now is stable however the patient is in a state of coma due to excessive blood lost. We will still need to monitor her condition." sabi niya sa akin.
"Coma? Does that mean that she will not be able to wake up?" naiiyak na tanong ko.
"It depends... it depends with the patient if she wanted to wake up. The next 24 hours will be the most critical stage for her. We will closely monitor her and we hope that there will no cardiac arrest for the next 24-48 hours otherwise, brain death could happen." sagot ng doctor.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...