Chapter 57: Blank

166 7 6
                                    


Ikaw ang lakas ko...

Ikaw ang kaligayahan ko...

Pero anong gagawin ko?

Kung unti-unti kang nawawala sa piling ko...


LANCE

Pakirdamdam ko hindi ako makahinga habang nakikita kong walang malay ang babaeng pinakamamahal ko. Mahina ang tibok ng puso niya at pakiramdam ko nanghihina na din ang buong sistema ko. Bakit ba lagi na lang ganito? Bakit sa tuwing gusto naming maging masayang dalawa...laging may nangyayari para masaktan kaming dalawa. Okay lang sana kung chismis lang sa mga paparazzi ang problema but not this... not the life of My Jasmine. Kahit kailan ay hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito. I can't imagine that someone will harm her knowing how good of a person she is. Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa hospital. Ang alam ko lang ay hawak ko ang mga kamay niya all through out. 

"Mr. Suarez... hanggang dito na lang po kayo. You can't enter the operating room." sabi ng doctor na nakapagpabalik ng katinuan ko. 

"Please save her. Parang awa niyo na Doc. I can give everything that you want just save my Jasmine." umiiyak na sabi ko.

"We will do our best but we will also need your prayers for her." sagot niya sabay sarado ng pinto ng operating room. 

Nanlalambot akong napaupo sa waiting area. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko. Ang pakiramdam ko lang ay hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay konti na lang ay papanawan na din ako ng ulirat. Lahat ng parte ng katawan ko ay parang masakit pero hindi ko matukoy kung saan. 

"Arthur... everything is going to be fine. Jasmine is a tough girl. She will get through this." sabi ni Tita George na ngayon ay nasa tabi ko na. 

"Gagaling siya at makakaligtas siya kaya wag ka ng mag-alala." sabi ni Tita Ange. 

"I don't know. I don't know what to feel. Bakit parang ang unfair ng tadhana sa amin. Sa tuwing gugustuhin naming magsama at maging masaya, lagi na lang may humahadlang and this time, pati buhay ng babaeng pinakamamahal ko nadamay na." sagot ko at  hindi ko namamalayan na tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko. "Gusto ko lang naman maging masaya. Gusto ko lang naman na mahalin siya, pero bakit laging ganito? Bakit laging kailangan may masaktan sa aming dalawa?" umiiyak na sabi ko. Yumuko ako sa mga braso ko para pigilin ang iyak. " I was planning to propose marriage to her today. I was willing to give her everything but why does this fucking world is trying to take her away from me again! Bawal ba kong maging masaya? Bawal bang mahalin ko si Jasmine! Mabuti naman akong tao ah! Hindi naman ako nang-agrabyado ng iba pero bakit parang pinaparusahan ako ng ganito! This is so fucking insane!" umiiyak na sabi ko. 

"Arthur.. alam kong mahirap ang pinagdadaanan ninyo ngayon but you have to trust her that she will survive for you. You have to trust God as well. Pray for her healing...Hindi makakatulong kung magagalit ka lang sa mundo." sabi ni Tita George at inakbayan niya ko habang umiiyak. 

"What the hell is happening?" narinig kong sabi ng bagong dating. Pagtingin ko ay nakita kong nasa harap ko na ang mga kaibigan ko. Si Ethan pala ang nagsasalita. 

"Kanina lang kausap kita at excited ka sa proposal mo ah. Paanong nangyari ito?" tanong ni Josh na kitang-kita ang pag-aalala. 

"Anong lagay niya Art? Ano ba kasing nangyari sa inyo?" tanong ni Liam. 

"Hindi ko rin alam. Sobrang bilis nang pangyayari. Kanina lang ay palapit na ko sa kanya habang nagbibigay siya ng autograph sa mga fans namin pero ng makalapit ako ay duguan na siya." nanglalatang sabi ko. 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon