Chapter 33: Another Heartache

160 5 0
                                    

Hindi ko alam kung kaya ko pa...

Sa tuwing lalapit ako ay lumalayo ka...

Makakaya ko pa ba...

Kung sa tuwing sasabihin kong mahal kita, 

Wala kang ginawa kung hindi magpaasa...


JASMINE

Maganda ang gising ko. Sa wakas naging okay na ang pakikitungo namin sa isa't isa ni Lance. I was mad at him dahil sa ginawa niya kagabi pero alam kong dala lang iyon ng alak. Nabuhay din ang pag-asa sa dibdib ko na baka magkaroon kaming dalawa ng second chance dahil sa mga sinabi niya sa phone kagabi. Kahit hindi niya direktang sinabi ay alam kong iniisip niyang magkabalikan kami.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang mga halik niya sa labi ko. Kapag naiimagine ko ay may kung anong sensasyon na bumabalot sa katawan ko. I can't help fantasizing his sweet lips and I can't stop thinking about his warm embrace. Ang pagyakap niya sa akin kagabi para lamang mapatahan ako sa pag-iyak. Ang pagcomfort niya sa akin and the kiss before he left. 

Para akong teenager na kinikilig habang naaalala ko ang mga naganap sa amin kagabi. He is back. My Lance is back. Yung maloko pero malambing. Yung alam yung limitasyon namin at yung mahal ako. Hindi man niya sabihin ay ramdam kong mahal niya ko. Ayokong magassume pero yun ang nakikita ko sa kanya. Napakatransparent naman kasi ni Lance sa nararamdaman niya ever since. He will act whatever he wanted to do. Hindi nagpapaligoy-ligoy at straightforward. 

Hindi ko alam kung anong nakain niya at biglang nag-iba ang timpla niya. Parang noong nakakaraan lang ay wala siyang ginawa kung hindi manumbat at magsungit pero kahapon parang biglang nag-iba. Maybe because I told him that I am about to give up everything para matigil na siya sa pananakit ng damdamin ko or talagang mahal niya pa din ako? Minsan talaga ang gulo niya din kausap eh. May times na pabago bago siya ng emosyon bigla. 

Naligo na ko agad dahil gusto kong magsiyesta today. Eenjoyin ko muna tong pahinga ko bago ako sumabak sa trabaho next week. Ang hirap lang sa akin ang rupok ko pag dating kay Lance. Kapag inamo niya na ko, lahat ng galit ko ay bigla na lang nawawala. Hayyysss, sana lang tama itong ginagawa ko. Sinabi kong titigil na ko pero isang halik niya lang, wala na...bumibigay na sistema ko. 

Matapos kong maligo ay iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin. Lalabas ba ko? Pupuntahan ko ba sila Amber? Hayyyssss.. ang boring naman. Nagpasya akong magluto ng breakfast dahil nagpadala si Tita Ange ng mga groceries dito sa bahay. Naghihiwa ako ng ingredients ng nakita kong tumatawag si Bree. 

"Hey..." sagot ko.

"I'm coming home tomorrow." sagot niya. 

"What? Akala ko next week pa?" sagot ko. Nakakaloka talaga itong babaeng ito minsan. Bigla-bigla lagi ang desisyon.

"Napaaga eh. Sinabi ko na din kila Miley at Amber. I just need to rush things para makabalik din ako dito agad." sagot niya. 

"Don't you have plan of staying here for good?" tanong ko.

"What for? My life is in here." sagot niya. 

"Are you happy with your life right now? Let's be honest Bree, you are not happy because if you are, you will not bother coming home. Kaya ka uuwi dahil may kulang sayo di ba?" sagot ko because I want her to be honest with her own feelings. 

"Oh Please Jas, let's not be too sentimental. Request ito ni Daddy kaya ako uuwi." sagot niya.

"Hindi mo kailangang umuwi kung talagang ayaw mo... you've been out of the country for 5 years now at kaya mo silang tiisin even before... so why bother going home now? Kung wala kang ibang unfinished business, malamang hindi ka uuwi." panghuhuli ko sa kanya. 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon