Chapter 52: I will fight for you!

161 3 0
                                    

Alam kong maaring masaktan ako...

Ngunit ilalaban ko ito...

Sigurado ako sa nararamdaman ko...

Hindi ko na hahayaang mawala ka sa piling ko...


JASMINE

Nandito kami sa first shooting ng movie namin ni Lance. The title of our movie is "Love Once Again." Saktong-sakto talaga sa love story namin ito ni Lance. Natatawa kami kapag may mga scene kaming nababasa na halos kapareho ng mga nangyari sa amin. Nilalagyan ako ng make up habang nagbabasa ako sa script. Si Lance, hindi ko alam kung saang lupalop na naman siya nagpunta. Kanina pa kasi yun likot ng likot na parang bata.

Nagbabasa ako ng script ng makita kong may frap ng nakalahad sa harapan ko. Nang tumingin ako sa kung sino ang nagbibigay noon ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Lance. Tinanggap ko ang frappucino na ibinigay niya galing sa Starbucks. "Thanks" sabi ko. Agad naman siyang umupo sa tabi ko.

"Naeexcite ako." sabi niya bago uminom ng kape.

"Ako din... It's been a long while since noong huling magkatrabaho tayo." sagot ko.

"Hindi about dun sweets..." sagot niya.

"Well then... you are excited about what?" nakakunot kong tanong. Nakangiti lang sa akin ang make up artist ko.

"Excited ako sa kissing scene sa scene 3." nakangisi niyang sabi at halos maibuga ko yung frap na iniinom ko. Kinikilig na tumingin sa amin ang make up artist ko.

"Ikaw talaga... puro ka kalokohan." sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ouch.. simpleng tsansing ka sweets.." pilyong sabi niya. Inirapan ko lang siya at uminom ng kape. "May nabasa akong bed scene..." pilyong sabi niya.

"Ikaw... ang sutil mo... gusto mo ipatapon na kita sa ibang planeta." nakairap na sabi ko.

"Ipatapon mo na lang ako sa puso mo.. doon kuntento na ko." sagot niya. Nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.

"Diyos ko... sino po bang nagimbento ng cheesy lines... papatayin ko." sagot ko sa kanya at natatawa niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ako.

"Ikaw talaga, kapag kinikilig ka, nagsusungit ka. Love you sweets." sabi niya. Nahihiya akong napatingin sa make up artist ko na nagpipigil ng kilig. Nagulat na lang ako ng bigla akong hatakin ni Lance at bigyan ng mabilis na halik. "Ayan... good morning kiss." sabi niya pa at narinig kong tumili na ang make up artist ko na hindi ko na malaman kung nagaapply pa ba ng make up ko o gusto na lang magtitili sa harapan ko. Sa halip na mainis ako at natatawa na lang akong tumingin kay Lance. Mabilis ko din siyang hinalikan sa labi niya na ikinagulat niya.

"Ayan good morning kiss din.. para matahimik ka na... love you too." sagot ko at pakiramdam ko hihimatayin na ang make up artist ko sa harapan ko. Nakangising tumingin sa akin si Lance at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Patty... buhay ka pa? Ang sweet namin noh." sabi ni Lance.

"Omgee sir Arthur. Kinikilig talaga ako. Matagal ko ng gusto na magkabalikan kayo." sabi niya. Nangingiti akong napatingin sa kanya.

"Sa kulit ba naman niyang si Lance... kahit sinong babae susuko diyan. Kahit sabihin mong ayaw mo..basta gusto niya, wala ka ng laban... mapapagod ka lang kakatanggi." nakairap pero nakangiting sabi ko.

"Ang sabihin mo, you can't resist my charm. I'm so gwapo you know..." pabirong sabi niya. Natatawa kong pinisil yung mukha niya.

"Oo you're so gwapo and so cute..." panggigil ko sa pisngi niya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon