Chapter 46: Never Letting Go

175 6 0
                                    

Hindi na kita pakakawalan...

Hindi na kita iiwan...

Hindi na kita susukuan...

Mananatili na ko sa tabi mo magpakailanman...

JASMINE

Sa tingin ko ay napahaba ang tulog ko matapos akong umiyak ng paulit-ulit kagabi. All the pain that I felt before just came back when I saw that woman. Hindi ko akalain na kaya kong magalit ng ganoon. Pati si Lance ay inaway ko sa sobrang frustration ko. Habang nakapikit pa ko ay naramdaman kong may humigit ng bewang ko. Nabalot ng kaba ang diddib ko. Bigla akong napadilat dahil baka may nakapasok sa condo ko ng hindi ko alam. Pagdilat ko ay naramdaman kong nakahiga ako sa dibdib ng kung sino. Nang mapatingala ako ay nakita ko ang tahimik na natutulog na si Lance na mahigpit na nakayakap sa akin. Nakahinga ako ng maluwag knowing na si Lance pala ang nasa tabi ko. Nakalimutan ko, hindi ko pa din pala binabago ang password ng condo ko na birthday niya.

Tahimik ko siyang tinitigan at nakita kong nakakunot ang noo niya habang natutulog. Grabe ang galit ko kahapon, pati siya ay nadamay samantalang wala naman siyang alam sa nangyari noon. Aalisin ko sana ang pagkakayakap niya sa bewang ko para makaalis na ko sa kama ng maramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Napatingala ako sa kanya at nakita kong gising na din siya.

"Lance... I... I need to get up. Ano bang ginagawa mo dito?"halos mautal-utal na sabi ko.

"I am afraid that you will escape from me again. Kaya pumunta agad ako dito kagabi para masecure kong nasa tabi lang kita." sagot niya sabay halik sa noo ko.

"I don't have any plans on going to anywhere." halos pabulong na sabi ko at yumuko akong muli dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"I love you Jas...I am so damn in love with you." sagot niya at niyakap ako ulit ng mahigpit. "Sorry sweets... I have caused you too much pain. I hurt you a lot of times. Ni hindi ako nakinig noon sayo dahil masyado akong engrossed sa sarili kong nararamdaman. I was too fool enough to let you go back then. Kung alam ko lang ang nangyari...hinding-hindi ako bibitiw sayo." parang maiiyak na sabi niya kaya ako napatingala sa kanya. Nangingilid na ang mga luha niya.

"I wasted 5 years of our lives just for nothing. Pero sweets, mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Jasmine and I am willing to do everything just to have you back in my life again. This time, I will never let you go. I will have all my faith in you. I will always hold your hand and if you want to run away, I will run away with you. I love you Jasmine." naiiyak na sabi niya.

Nakangiti akong tumingin sa kanya. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata niya. This is my Lance, he is strong with others but vulnerable when he is with me.

"Shhhh... tama na, tapos na iyon. Ang mahalaga naman yung ngayon di ba? Yung tayo... yung tayo ngayon." sagot ko. "And Lance... I love you too. I don't think that I will ever stop loving you." nakangiti ngunit umiiyak na din sabi ko. Nakita ko ang totoong kaligayahan sa mga mata niya. Tinitigan niya ang mukha ko at bumaba ang tingin niya sa labi ko. Dahan-dahan at unti-unting bumaba ang labi niya sa mga labi ko at kasabay noon ang pagpikit ng mga mata ko. Sabay naming ninamnam ang halik ng bawat isa. Isang halik na may pangakong hindi na kami maghihiwalay pa.

Matapos niya kong halikan ay nagtagal pa kaming magkayakap sa kama ko. I don't mind kahit may mangyari pa ngayon because I am ready to give everything to him but knowing My Lance, he will respect me until we get married. I am happy that the first thing that he did since yesterday is to be with me. Ang ibig sabihin noon ay hindi niya ko planong pakawalan ngayon.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon