Alam kong maling tumakbo...
Alam kong maling matakot ako...
Alam kong maling magtago...
Pero anong gagawin ko?
Kung alam kong walang kasiguraduhan ang nararamdaman mo?
JASMINE
"Tell me Jas... do you hate me?" tanong niya sa akin at tinitigan niyang kong muli sa mga mata habang niluluwagan niya ang pagyakap sa akin.
"I.. I don't." sagot ko. Nakita kong ngumiti siya.
"Please don't hate me after this..." sagot naman niya.
"What?" naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang siya at sa isang iglap ay naramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko. Nanglaki ang mata ko ng maramdamang hinahalikan niya ko. Pero sa halip na itulak ko siya ay kusang pumikit ang mga mata ko. Patay! Ano ng gagawin ko. Pati katawan ko ay hindi sumusunod sa akin! OMGEEEE! Hindi ako marunong humalik. This will be my first kiss. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin habang hinahalikan niya ang labi ko.
Marahan niyang ninamnam ang labi ko at sa di ko inaasahang magagawa kong gayahin ang ginagawa niya sa akin. Narinig ko siyang umungol at naramdaman kong mas hinapit niya ang bewang ko. Hindi ko namalayang nakayakap na pala ako sa batok niya habang tinutugon ko ang halik niya. He deepened the kiss and I felt his tongue invading my lips and I felt that my legs turn to jelly. All I did is to return what he is giving me and I don't even care what is happening around. All I care is the sensations he is giving me and I don't even know how to stop.
Nagring ang phone ni Lance na nasa bulsa niya at pakiramdam ko nagising din bigla ang diwa ko. Bigla ay kumalas ako sa yakap niya at bahagya ko siyang itinulak para makalayo siya sa akin. Naguguluhang tiningnan niya ko.
"Your phone is ringing. Answer that." sabi ko sabay pulot ng mga pagkain na nalaglag ko kanina.
Nakita kong pinatay niya ang phone niya sa halip na sagutin kung sino man ang tumatawag. Nagpunta ako sa kitchen table at nagstart iprepare ang mga dapat lutuin. Nagkunwari akong parang walang nangyari.
"Are you mad at me?" tanong niya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako dahil ang bilis kong bumigay sa kanya kaya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Naramdaman kong hinawakan niya ko at iniharap sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hinawakan niya ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya.
"If you are going to ask me to say sorry... the answer is NO. I won't do that because I will never ever regret what happen." sabi niya habang nakatitig sa akin. " I like what happen...do you hate me now for kissing you?" tanong niya sa akin.
"No... I don't." sagot ko. Nakita kong ngumiti siya.
"Did you regret that I kiss you and you respond?" tanong niya.
"No.." maikling sagot ko. Nakita kong mas lalo siyang ngumiti. Niyakap niya ko at hindi ko malaman kung gaganti ba ko ng yakap o hindi. Pero sa huli tinraydor na naman ako ng katawan ko at gumanti din ako ng yakap.
"I am happy that you didn't regret the kiss Jas. I am happy that you are with me right now. Let's enjoy this. Let's enjoy us." sabi niya. Tahimik lang akong yumakap sa kanya dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot ako sa nararamdaman ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Nakita kong nagtaka siya pero pinilit kong ngumiti. "Hey.... baka hinahanap na nila tayo. Can we just talk about this later? I just need to think things through..." sabi ko sa kanya at nakita kong nakakunot na ang noo niya. " I mean.. Lance.. everything happens so quickly and I don't even have a time to absorb it. Can we talk later, when we're alone.. please?" tanong ko at nakita kong kumalma naman siya.

BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...