Everything will be okay...
We will be together through night and day...
Even if our hair turns to gray...
Our love will forever stay....
JASMINE
Inip na inip na ko dito sa hospital. Mag-iisang linggo na ko dito. Gusto ko ng umuwi pero di pa ko pinapayagan ni Lance. Masyado siyang over protective. Ibinalita niya sa akin ang mga nangyayari sa labas. Nagulat na lang ako ng sabihin niyang nakakulong na si Denver at konting papers na lang ang kailangang matapos para siguradong mabulok siya sa kulungan. Hindi ko alam kung anong ginawa ng magaling kong boyfriend at parang napakabilis ng mga pangyayari. Biruin mo, in just a week nakapagtrial na agad laban kay Denver? Malamang kung ano-anong connections na naman ang ginamit nila.
Sila Mommy at Daddy naman ay halos hindi ako iwan sa hospital. Sobrang alaga nila sa akin. Mukhang tinotoo nila yung promise nila na babawi sila sa akin at kahit kailan hindi na sila aalis sa tabi ko. Napapanood ko naman ang ibang news sa TV. Grabe, sikat na sikat na naman ang pangalan ko sa lahat ng media outlet. Ikaw ba naman ang masaksak sa harap ng madla eh.
"Sweets, you have to eat." sabi ni Lance na nakapagpagising ng diwa ko. Sinusubuan niya ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya sa at sa prutas na isinusubo niya sa akin.
"I told you, I can eat alone. You don't need to feed me." natatawang sabi ko.
"But I like taking care of you. Gustong- gusto ko kapag naaalagaan kita ng ganito." reklamo niya.
"Hayaan mo na yang si Arthuro... baka magtantrums pa yan pag di mo pinagbigyan." sabi ni Ethan na nasa tabi ng pinto.
"Naku, grabe yang iyak niyan ng masaksak ka, kaya takot na takot yan mawala ka ngayon. Kung nakita mo lang Jasmine, bibigyan mo yan ng award sa FAMAS bilang best actor." sabi naman ni Josh.
"Namroblema kami sa isang yan ng nakaratay ka at walang malay, kaya utang na loob Jasmine, wag ka ng magkakasakit dahil baka pati kami mamatay sa kunsumisyon diyan!" sabi naman ni Liam.
Nakairap na tumingin sa kanila si Lance habang ako ay natatawa. "Eh kung pinagpipilipit ko kaya yung mga dila ninyo? Ang dami niyong sat-sat eh." sabi ni Lance.
"Ouch.. ang sakit naman.. after all that happen? Ganyan ka sa amin? Akala ko ba love mo kami Arthur BABY..." biro ni Josh.
"Baby Artie.. kala ko ba malaki ang utang na loob mo sa amin at mahal mo kami.. tapos ganyan ka na ngayon porke bumalik si Jasmine." sabi naman ni Ethan.
"Samantalang nung tulog si Jasmine, kami ang lagi mong kayakap at kasama? Nasaan ang hustisya?" sabi ni Liam na umarte pang naiiyak. Natatawa akong tumingin sa nakasimangot ng si Lance.
"Kailan pa kayon naging bakla? Dapat ba tawagan ko na yung tatlo? Para pag nakita nila yan, ikahiya nila kayo." sabi ni Lance at lalo akong tumawa. Sumimangot naman yung tatlo niyang kaibigan.
"No need na... sanay na ko sa kabaklaan ni Ethan..." sabi ni Bree na pumasok sa pinto at may dalang flowers.
"Princess ko!!!!!" parang batang sabi ni Ethan at yumakap kay Bree at pinupog niya ng halik.
"Guys... get a room ano ba!" sabi naman ni Amber na may dalang fruits. Dumiretso naman ng upo si Josh ng makita siya. Kumindat pa kay Amber at umirap naman ang isa.
"Sus pakipot pa..." bulong ni Josh at nagkatinginan kaming dalawa ni Lance dahil mukhang may nangyayari na sa dalawa.
"Asa pa kayo! matagal na silang bakla noh." sabi naman ni Miley na may dalang chocolates.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...