Chapter 16: Game On!

129 3 0
                                    




Hindi ako papayag ng mawala ka na lang ng basta-basta...

Hindi ako susuko hanggang kaya kong lumaban pa...

Kung ito lang ang paraan para mapasa-akin ka...

Lalaban ako, kahit ilang beses masaktan pa...


JASMINE

Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko. Pinakiramdaman ko kung nasa labas pa siya ng pinto. Binuksan ko ang pinto kasi pakiramdam ko ay wala na siya. Nang binuksan ko ang pinto ay napaatras ako dahil nandoon pala siya sa labas at naghihintay sa akin.

Nakapamaywang siya habang nakatayo. Nang makita niya ko ay nakita ko ulit ang mga ngiting ibinibigay niya sa akin noon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya. He smirk again at dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. At sa kaba ko ay unti-unti akong napapaatras dahil sa paglapit niya. Habang umaatras ako ay lalo siyang ngumingiti at lalong lumalapit. Naramdaman kong may nasa parte na pala ako ng paanan ng kama. Nang pag-atras ko ay na-out of balance ako at ineexpect ko ng lalagapak ako sa kama, napapikit ako, pero nagulat na lang ako ng may mga kamay na sumalo sa bewang ko. Nang pagdilat ko ay ang pilyong ngiti ni Lance ang nakita ko.

"You'll do everything to win me back? Is that true?" tanong niya. Pakiramdam ko ay namumula ako pero pinilit ko pa ding tumango bilang pagsang-ayon. "Really?" tanong niya ulit at tinitigan niya ko ng maigi. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hindi ko na malaman kung yung tibok pa ba ng puso ko yung nararamdaman ko o yung kanya na. Nakita kong ngumiti siya ng pang-asar sa akin na para bang hinahamon ako.

"You don't believe me? Well guess what, wala pa kong hindi nakuha na gusto ko." sagot ko habang hawak niya pa din ang bewang ko. Nakita kong naningkit ang mata niya.

"Hindi ako laruan na kapag gusto mo... kukunin mo at kapag ayaw mo... itatapon mo. HIndi din ako trophy para ipangalandakan at mapatunayan mo sa ibang tao na kaya mong kunin lahat ng naisin mo." seryoso niyang sabi. Tinamaan ako dun. Pero hindi ako papatalo.

"Kapag sinabi kong akin... akin lang. Kapag sinabi kong gusto ko... gusto ko. At gusto kita... kaya akin ka." matapang kong sagot. Nakita kong nawala ang pagiging seryoso niya. He boyishly grin at me.

"Iba ang gusto sa mahal." sagot niya. Is he asking me if I love him or not? Well hindi ako papatalo lalo at sigurado na ko sa nararamdaman ko.

"Let me correct my self, MAHAL KITA KAYA AKIN KA." sagot ko sabay halik sa kanya ng madiin sa labi nagulat na lang ako ng bigla akong bumagsak sa kama dahil nabitawan niya ko. Nakita kong tulala siyang nakatayo kaya napangiti ako. Alam kong nanalo ako at nakita kong apektado siya. Tumayo ako sa kama at tinitigan siya.

"Kung magpapakipot ka pa din... sige lang. I'm up for a challenge. Hindi kita tatantanan hanggang nagiging akin ka ulit." sagot ko. Nakita kong parang natauhan na siya. Tumayo siya ng diretso at nagkunwaring seryoso pero nakikita ko ang konting ngiti niya sa gilid ng kanyang labi.

"Hindi mo na ko madadaan sa ganyan Brat! A kiss will not sway me so easily." Sagot niya sabay gulo sa buhok ko.

"Ano ba Lance!" saway ko sa kanya. Narinig kong tumawa siya. Yung tawang totoo. Yung tawa ng Lance ko.

"Magbihis ka na... kakain pa tayo sa baba." sabi niya sabay talikod sa akin.

"I miss you My Lance." sabi ko. Lumingon siya at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya pabalik.

"Bilisan mo na diyan Brat..." sabi niya at napasimangot ako dahil sa tawag niya sa akin. Narinig ko pa siyang tumatawa palabas ng kwarto ko. Mukhang hindi magiging madali ang pagkuha kong muli sa kanya. Pero hindi ako susuko. Alam kong nasaktan ko siya ng biglaan akong umalis noon pero papatutunayan ko sa kanya na worth it na bigyan niya ko ng chance ngayon. Hindi ako naging Rivera para sumuko lang agad sa kanya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon