Chapter 23: What Happen

124 3 0
                                    

Hindi ko akalaing masasaktan ako...

Hindi ko akalaing magkakaganito...

Alam kong nagkulang ako...

Pero sapat ba iyon para itapon mo ang lahat ng mayroon tayo?

JASMINE

Umalis ako ng mall ng umiiyak. Nakakainis, kahit anong tapang ko ay nanghihina pa din ako pag dating sa kanya. Kayang-kaya niya pa ding tibagin ang yelong ibinabalot ko sa puso ko sa isang salita niya pa lang. It hurts, na lahat ng sisi ay sa akin. Para bang ako lang ang nagkamali. Para bang ako lang ang may kasalanan. Samantalang hindi naman ako ang unang bumitaw. Hindi ako ang unang nakipaghiwalay. Hindi naman ako ang unang nagtapon ng lahat ng mayroon kami. He chose to let me go too while I am still holding on. He chose to stop loving me when I am still loving him so hard and he chose to grow apart from me... when I am still trying to fix everything that we have.

Umiiyak ako ngayon habang nasa kotse ng parking lot ng mall at sa pag-iyak ko, unti-unting bumabalik sa akin kung ano nga ba ang nangyari noon, noong mga panahong mahal niya pa ako.

Flashback

Ilang months na kami ni Lance, actually mag-iisang taon na nga. Wala pa ding nagbabago. Mahal na mahal pa din namin ang isa't isa. May mga tampuhan syempre, hindi naman siguro mawawala yun sa relasyon pero ginagawan naman namin ng paraan para maayos. Nakakatuwa nga eh, kasabay ng relasyon namin ay ang pagsabay ng pagbloom ng career namin bilang actress at actor sa industriya. Ang saya lang, dahil may commercial kaming pinagsamahan ay nakita ng mga tao ang chemistry naming dalawa kaya pinaglove team na din kami.

Everything is perfect actually. Open din kami sa mga fans namin about our relationship. Nireveal namin sa kanila na we were together even before maging magkalove team kami. Ganoon kaproud si Lance eh, na ako yung girlfriend niya. Tsaka may pagkaseloso yun minsan, mas okay na daw na malaman ng lahat na kami na, kaysa daw may makasingit pa sa aming iba. Kapag nagmamaktol yun dahil may mga lalaking umaaligid sa akin, nilalambing ko na lang siya. In fairness naman sa kanya, kapag madaming mga babaeng umaaligid sa kanya, parang wala siyang nakikita, laging sa akin nakafocus ang attention niya.

"Sweets, Are you really going to Cannes?" tanong niya at nagising ako sa pag-iisip ko. Nandito kami sa loob ng starbucks at nagkakape.

"I need to, ilalaban yung indie na ginawa ko heart. Isang buwan lang naman ako doon and I will be back immediately. Alam mo naman si Direk Lyla, mahigpit yun, all the cast will be there, ako pa yung leading actress. Isa pa, baka ito na yung maging big break for me sa pagiging actress ko." sagot ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Heart nga pala ang tawag ko sa kanya since tinatawag niya kong sweets ay heart ang naging endearment ko sa kanya. "Don't get me wrong, sobrang laki na ng fandom ng love team natin, we are considered as the blockbuster love team for this year, kaso lang gusto kong mapatunayan na hindi lang ako sa romcom magaling, that I can do better sa mga indie film." dagdag ko pa. Pilit siyang ngumiti.

"I know. I guess mamimiss lang kita ng sobra. This is the first time na magkakalayo tayo ng 1 month. Nasanay na kong kasama ka weather sa mga dates natin or sa work. Sorry kung masyado akong clingy." sagot niya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko.

"It's okay. I like it kapag clingy ka." sagot ko at ngumiti siya.

"I wanted to come with you kaso may upcoming project ako eh. Ang dami ko ding commitments." malungkot na sabi niya.

"Okay lang, you can come with me some other time." sagot ko at nagpatuloy kami sa pag-uusap ng kung ano-anong mga bagay pa kasabay ng pageenjoy namin habang magkasama kami. We normally date kapag walang mga shooting at wala kaming mga commitment. Kapag naman madaming shoot, magkasama pa din naman kami sa set dahil nga love team kami. Lagi kaming magkasama sa mga projects.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon