Chapter 28: Tired

151 3 0
                                    




Bakit sa tuwing tatakbo ako...

Nakikita ko ang sarili kong bumabalik sayo?

Bakit sa tuwing gusto lumimot ng puso ko...

Patuloy pa din itong tumitibok para sayo...


JASMINE

"You are going to have a movie project with him para matapos na ang issue na ito." sagot ni Tita George. Nanlaki ang mga mata ko.

"What?" tanong ko.

"You'll have a come back as a love team." sabi ni Tita Ange at gusto ko ng magmura. Naloloko na ba sila?  Nababaliw na ba sila? Magugunaw na ba ang mundo! Lord naman, nagpasya na kong kalimutan siya! Ano na naman ba ito!

Gusto kong matawa o magwala dahil sa mga sinasabi nila. Nag-iisip pa ba sila? Ako at si Lance? Back as love team? eh baka sumabog ang buong production sa pag-aaway naming dalawa! Halos magpatayan na kami kapag nagkikita kami. Kung nakakamatay lang yung mga words na nanggagaling sa bibig naming dalawa matagal na kaming tumumba. Halos hindi nga niya masikmurang makita ako tapos magiging love team pa kami?

"You guys are impossible." nakatangang sabi ko sa kanila. Nakita kong ngumisi si Lance habang nakatingin sa akin at umirap naman ako. "Seriously Tita George? Tita Ange? This is your great idea?" sarcastic na dagdag ko.

"What's the problem hija? You, working with him will give an enthusiasm to the people. They will think that you have a good relationship with Arthur. Mabubura ang lahat ng chismis patungkol sa bangayan ninyo." sabi ni Tita Ange.

"That's exactly our point. Kung hindi kayo papayag to a project together, the press will think that you guys still have an issue with each other. Malamang isipin nila na magkaaway pa din kayong dalawa at marami pa kayong unfinish business. At kung mangyayari yun, baka mas lalong halukayin ang past nyo at malagay na naman kayo sa alanganin." sagot naman ni Tita George.

"Yun na nga mga Tita eh. Kayo na ang nagsabi na kumakalat ang balita sa mga bangayan namin which is totoo naman. Ni hindi kami mapagsama sa isang location dahil kung ano-anong masasamang salita ang sinusumbat namin sa isa't isa.. pagkatapos gusto niyo pang maging love team kami ulit? That's ridiculous! Baka wala kaming ginawa kung hindi mag-away na lang sa loob ng production at mas lalong kumalat ang issue ng di namin pagkakasundo." sagot ko.

"Eh magaling ka naman makipagplastikan di ba. Talent mo iyon... bakit hindi na lang yun ang gawin mo." bored na sabat ni Lance at kaming tatlong nag-uusap ay napatingin sa kanya. This is not good. Kung noong pag-uwi ko dito ay namimiss ko pa siya pero dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin lately ay nagbago na ang nararamdaman ko. I am starting to hate his guts and I hate my self too dahil kahit na tinatrato niya kong parang basura, kahit inis na inis na ko sa kanya, isang ngiti niya lang ay bumibigay na ko which is not good.

"Hinihingi ko ba yung opinions mo?" mataray na sabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. This time hindi na ko papatalo sa kanya. He wants the old me na laging nakikipagsabayan sa pambabara niya, then he will get what he wanted.

"Just to inform you, involve ako dito, so my opinion matters." sagot niya sa akin.

"Oh really... as if you care so much to your career or your life. Kaya nga ang dami mo ng issue bago pa itong issue natin di ba?" sagot ko.

"Ahhh.. tama ka diyan, sayo lang naman kasi talaga nagmamatter ang status ng career mo." pambabara niya. Ayan na naman siya gusto na naman niyang ipamukha na pinili ko ang career ko kumpara sa kanya.

"Wala akong pakialam sa career na sinasabi mo. Kaya ko yung itapon sa isang iglap lang, muntikan ko na ngang gawin noon eh kaya wag mo kong sabihan na mas mahalaga ang career ko. I just wanted to have a peaceful life." sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon