Hindi ko alam kung saan ako lulugar pag dating sayo...
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko...
Hindi ko alam kung dapat pa bang umasa ang puso ko...
Na lagi na lang alanganin pag dating sayo...
LANCE
Kakagaling ko lang ng cafeteria ngayon at hindi ko alam kung bakit ba naiinis ako sa mga nangyayari. Alam kong nagiging childish ako pero ano bang magagawa ko, ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito. Ayokong nakikitang nasasaktan siya sa mga sinasabi at ikinikilos ko pero ayoko namang magmukhang tanga na naman ako.
Nang halikan ko siya ay alam kong naging mabilis ako masyado kaya nga inunawa ko kung gusto niyang mag-isip muna pero anong ginawa niya? Nilayasan niya ko kinaumagahan. Ako namang si tanga, hanap ng hanap sa kanya kahit alam kong way niya na yun para takasan at itaboy ako.
Pasakay na ko ng kotse ko ng biglang may umakbay sa akin. Napatingin ako at nakita ko si Ethan.
"Inom tayo." malungkot na sabi niya. Mukhang malaki din ang problema ng isang ito. Parang ako lang. Hindi ko naman kasi alam na sa maikling panahon eh ganito ang magiging epekto ni Jasmine sa akin. Pucha! dati laro-laro lang ako tapos biglang tatamaan ako ng ganito.
"Tara Inom! Convoy na lang tayo!" sagot ko. Pareho kaming pumasok sa mga kanya-kanya naming sasakyan at magkasunod kaming pumunta sa bar na pagmamay-ari ni Josh. Madalas wala naman yung ulupong na yun dun sa bar dahil busy yun sa mga babae niya kaya kami na lang muna ni Ethan sa bar.
"Give me 2 order of brandy please." sabi ni Ethan ng makaupo na kami sa bar stool.
"Grabe, hard talaga gusto mo ha. Papakalasing ba tayo ngayon?" natatawang sabi ko.
"Well, honestly after everything that happened, Gusto kong magpakalango sa alak ngayon..." sagot niya. " You should feel the same way too... pumunta ka pa nga ng Bora para sundan siya di ba?" dagdag niya pa. Naiiling ako habang iniinom ko na ang alak na order namin.
"That's life... you can't get anything you want. Kahit gaano ka mageffort... kahit gaano ka magtino... if she doesn't want you...then wala.. nganga ka na lang." natatawang sagot ko.
"Bakit sila ganun? Ginawa mo naman lahat pero parang balewala lang." sabi pa ni Ethan habang nag-iinom siya.
"Ewan ko ba,.. yung pakiramdam na lahat naman pinaramdam mo sa kanya na mahal mo siya... pero ang ending, lalayasan ka na lang bigla. Ang saklap!" sagot ko.
"Eh sinundan mo naman eh! Ako nga sinukuan na ko eh, wala pa kong nagagawa, sumuko na agad." sagot ni Ethan. "Ano bang nangyari sa Bora, pucha ilang oras ka lang nawala, nalaman namin sa Hongkong ka na papunta!" dagdag na tanong niya. Natawa ako sa kanya. Naalala ko tuloy kung anong katangahan yung mga ginawa ko last week.
Flashback
Kakagising ko lang ng makita kong tumatawag ang manager ko sa modelling agency. Ang manager ko ay si Tita Georgia. I call her Tita George most of the time.
"Yes Tita..." sagot ko.
"You have to ready yourself, we'll be leaving tomorrow for your Hongkong Photoshoot." sagot ni tita sa kabilang linya.
"Bukas na ba iyon? I thought that's next week?" disoriented na sagot ko.
"Nope, it was resched earlier. Ready your passport. Si Angie nga aligaga din eh. Nasa Boracay sila ngayon kasama yung alaga niya para sa pictorial and photoshoot din." sagot niya at parang natauhan ako.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...