2nd.

59 3 0
                                    

Bawat sulat, ikaw ang bunga ng salita.

Ikaw ang inspirasyon sa bawat nagawa na tula.

Ikaw ang nagsilbing gabay sa pamamagitan ng pagkanta.

Nakakalungkot dahil alam kong hindi ka naman magagabayan ng aking tula.

____

Napaka dami, ng mga salita na gusto kong sabihin.

Napakadami rin ng aking gustong aminin.

Nahihiya na lamang ako sa maari mong isipin.

Kasi sino nga ba naman ako, isang estranghero sa paningin?

____

Sa aking pagsulat, hindi kita pababayaan.

Sa ganitong paraan ko na lamang mapapakita kung paano kita aalagaan.

Maraming imposible sa mundo at naroon ang aking hinahangaan.

Hinahangaan kita pero hindi pa ako sigurado kung maibabalik mo ang aking nararamdaman.

_______________________________
Author's Note: Sobra-sobra ang aking paghanga sakanya. Ngunit sa ganitong paraan ko na lamang naisasaad ang aking nararamdaman :<

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon