23rd

8 2 0
                                    

Isang araw mo na akong hindi pinapansin.

Iniisip ko kung sadya ba ito o sadyang ako'y praning.

Isang araw palang ang lumilipas pero ang hirap nitong kalabanin.

Parang isang taon na ang dumaan simula nung huli mo akong kausapin.

____

Kung ano man ang ginagawa mo, pahingi ng konti sa oras mo.

Gusto lang kitang kamustahin, kausapin, tanungin kung anong problema mo.

Gusto lang kitang gabayan, pagmasdan, at yakapin kung posible lang talaga ito.

Pero parang hindi maaring mangyari ang kahilingan ko.

____

Kung saan ka masaya, saiyo ang aking suporta.

Ulit-ulitin ko man pero mukhang hindi mo parin makuha.

Sundan man kita pero kahit anino ko ayaw mong makita.

Sabihin mo nalang kung hanggang dito nalang ba.

_______________________________
Author's Note: Namamalimos ako ng atensyon, pake niyo. HAHHAHAHA

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon