Kapag pinusuan ko shared post mo, ikaw talaga pinupusuan ko.
Kapag nag react ako ng "haha" hindi ibig sabahin natawa na ako bagkus masaya ako na ikaw nakita ko sa newsfeed ko.
Kapag nag "wow" ay natural na nabibighani ako sa'yo,
Nagre-react lang naman ako ng "sad" dahil wala akong magawa 'pag malungkot ang nararamdaman mo.
____
Mahirap dahil hindi mo ako kilala.
Tanging friend mo lang ako sa FB at nanatili lang ako sa mga shine-share mo 'di ba?
Hindi man nga kita ma chat dahil hindi pa sapat ang aking kumpyansa.
Hinihiling ko nalang na sana balang araw ay ika'y aking makakasama.
____
Kapag nag chat ako, wala naman akong kailangan.
Gusto lang kitang makausap ng walang dahilan.
Kapag ginawan kita ng tula, ibig sabihin ay mayroon akong nararamdaman.
Ikaw ang laman ng tula, inspirasyon ng pagsulat, at para saiyo ito kasi lubos ko 'tong pinagisipan.
_______________________________
Author's Note: Oo nahulog na ako sa babaeng ito, pake niyo. Nahulog ako at okay lang kahit ako'y masaktan basta alam kong maisusugal ko ang lahat ng mayroon ako.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...