Siguro ako lang nga ay nahihirapan sa sariling desisyon ko.
Hindi na bago pero bawat araw hindi nakakalimutan na isipin ang isang tao.
Nahihirapan pero patuloy parin kahit wala ako sa memorya mo.
Kumbaga naka-kapit ako sa patalim at nakatutok lang saiyo ang hawakan nito.
____
Masakit pero anong magagawa.
Kapag ba nag bitaw ako ng mensahe, ang pakiramdam ko'y giginhawa?
Kapag ba nag kuwento ako sayo lahat ng problema mawawala?
Ang gamot nalang siguro ay kailangan ng tumigil magpakatanga.
____
Kung iyon ang gamot, pipiliin ko nalang matuto.
Hindi ako nagpapakatanga dahil may hinahangaan lang ako na tao.
Gusto kong isipin na siya ang gabay na walang kaalam-alam sa presensya kong ito.
Para sa paraan na aking pinagisipan, masasabayan ko kahit nakasakay siya sa buhay ng ibang tao.
_______________________________
Author's Note: Dead Eyes.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...