Okay lang ba? Kung kakausapin kita.
Kung araw-araw ako'y mangangamusta.
Kung pwede rin, pakita ko na gusto nga talaga kita.
Na hindi kita pinapakilig dahil trip ko lang o dahil ika'y maganda.
____
Maganda ang boses mo, pati narin ang saloobin.
Bonus nalang talaga na maganda ka rin.
Matagal ko ng iniisip kung ako ba ay
makakaamin.Pero hindi magtatagal, mahihiya lang ako at ako'y susumpungin.
____
Okay lang ba kung mananatili ako?
Babantayan kita at susuportahan sa mga desisyon mo.
Tatanungin kita kaya sana sagutin mo ako.
Okay lang ba? Okay lang bang bigyan mo ng pagkakataon ang posibleng "tayo?"
_______________________________
Author's Note: Paulit-ulit nalang mga sinasabi ko, pero 'di ako nagsasawa. Alam kong importante rin ang iisipin ng mambabasa ngunit mas gusto ko ng unahin si Paula.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...