30th

9 2 0
                                        

Marka na ang oras na gusto kitang kausapin.

Kahit ang oras na 24 ay puno ng marka dahil gusto ko itong araw-arawin.

Walang dadaan na oras na hindi ka dadaan sa lahat ng aking iisipin.

Kasi kahit minsan hindi kita nakalimutan, lubos kang iisipin at mamahalin.

____

Ano pa ba ang dapat kong gawin ha?

Magbigay ka pa ng ibang rason para iwan kita.

Pasensya pero mukhang tatanda ka na pero hindi parin kita susukuan Paula.

Kahit mahalin lang kita sa malayo okay na saakin pero mas magiging okay kung magiging tayong dalawa.

____

Eh ano ngayon kung malabo?

Malabo nga mga mata ko pero sumuko ba ako?

Mga pangarap ko nga sa buhay dati hindi ko man maituro,

Pero ngayon binibigyan mo ako ng rason para pagsikapan ang mga pangarap ko.

_______________________________
Author's Note: Tiwala lang self, malapit na tayong masaktan.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon