Habang patungo tayo sa katapusan, iniisip ko ang bawat nangyayari.
Maitutuloy ko pa kaya ang storya katulad ng pagsimula ko dati?
Matutuloy ko pa kayang magbahagi?
O talagang tapos na at hanggang dito nalang ang lahat ng aking sinabi?
____
10:27, April 27, nung aking sinimulan ang tulang pang apatnapu't pito.
Patungo na tayo sa singkwenta kung saan magtatapos ito.
May kwenta man o wala, masaya parin ako sa pagbabahagi ko sainyo.
Pero hinding-hindi ko sasabihin ang kanyang buong pangalan, kaya pasensya na sainyo.
____
May isang nagtanong na mamamasa, "Bakit 'di niyo po ligawan?"
Seryoso? Ang lalaking alam lang gawin ay magsulat ng tula at matulog sa higaan?
Ako na puro sulat ng talambuhay sa Wattpad ay manliligaw sa babaeng napakalayo kumpara sa aking maabutan?
Pero ayaw kong isipin na imposible, kahit na imposible nga ang aking kagustohan.
_______________________________
Author's Note: Oo seryoso, mas mabilis pa sa alas kwatro ~
![](https://img.wattpad.com/cover/220459485-288-k689620.jpg)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...