Sana parehas tayong interesadong kausapin ang isa't isa.
Sana kapag kausap kita, totoo ang bawat bitaw mo ng salita.
Ayaw kong napipilitan ka.
Ayaw kong nagkukunwari ka.
____
Kung wala kang time saakin, sabihin mo.
Kung makakausap mo lang ako sa t'wing gusto mo, sabihin mo.
Sa ganitong paraan mas lalong gagaan ang nararamdaman ko.
At least alam ko kung masasabik ba ako sa mga reply mo.
____
Hindi ko man ito lahat nakikita o napapansin,
Sana 'wag na natin hintayin pa ang iyong pag-amin.
Sabihin mo kung naiirita o nagugulohan ka saakin.
Para sana, alam kong kung kailangan ko ng dumistansya at ang mga sasabihin ko ay aking pipiliin.
_______________________________
Author's Note: Mahirap kapang alam mo sa sarili mo na hindi ka gusto ng isang tao, pero alam mo ang sarili mong kagustohan na hangaan parin ito.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesíaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...