Pinapangarap ko na sa isang panahon, may pagkakataon.
May pag-asa na nakangiti sa umaga pag ako'y bumangon.
May reyalidad na hindi ko iisipin na panaginip lang ng kahapon.
Kaso masyadong impossible kahit i-pwesto mo ako sa tamang posisyon.
____
Kahit siguro nasaakin na ang kayamanan, todo iwas naman ang kasiyahan.
Kahit i-offer na saakin ang lahat ng kasikatan, hindi ko naman kailangan.
Bigyan man ako ng contract para magsulat ng libro, pilit ko parin tatanggihan.
Aanuhin ko naman ang published work kung sa sarili ko hindi ko matanggap ang katotohanan.
____
Ayaw kong tumanggap ng iba.
Ayaw kong sumikat at magka-pera.
Tawagin niyo na akong tanga pero hindi ko talaga maghanap doon ang saya.
Pero baka isang araw kailangan nalang tumanggap na walang wala na talaga.
_______________________________
Author's Note: Ayaw ko sa iba. Pero ganoon din ang pagkakakita mo.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...