Nakakalungkot habang tinitignan ko ang larawan mo.
Ang saya mo sa imahe pero iba napaparamdam mo.
Sana balang araw malaman mo ang naging kalagayan ko.
Pero sana huwag narin dumating ang araw na malalaman mo.
____
Kasi ayaw kong isipin mo na may kasalanan ka.
Ako ang mag-isang sumugal, ako lang ang masasaktan sating dalawa.
Ililihim ko lahat na parang tinago ko ang mukha sa isang maskara.
Iyon nalang ang paraan na aking naiisip para patuloy parin kitang makasama.
____
Ayaw kong nakikita kitang malungkot dahil sa ginagawa kong ito.
Nagtatago na ako sa mga kagaguhan na ginagawa ko.
Pero alam ko naman na hindi ka mahihirapan gawin ang hangarin ko.
Kasi simula palang naman, turing mo lang saakin ay munting estranghero.
_______________________________
Author's Note: N A K A K A S A D.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...