Ilang araw na ang lumipas ngunit wala parin kumukupas isip o puso.
Nahihirapan na akong makapag react or mag share dahil ayaw kong makaistorbo.
Mahirap pala talaga kapag gusto mong makalayo,
Lalo na nakakulong ka sa isang kwarto.
____
Ang hirap narin magbahagi, ang bibig ay laging sarado.
Ang puso'y nakakulong, ang isip ay pagod ng todo.
Ang pandinig ay humihina, ang mata ay lumalabo.
Kapag talaga ang matagal mo na hinahabol ay nawala, magtiwala ka na ganito ang epekto.
____
Siguro iba-iba ang nararanasan nating lahat, kasi para saakin, isa lang ang Paula.
Nararamdaman ko ang lungkot pero hindi galing sakanya.
Ang galing nga kasi alam ko sa sarili ko na wala na akong masisisi na iba.
Ang mahigit pitong taon ay ikukulong nalang sa sarili para hindi masayang ang saya.
_______________________________
Author's Note: Sasaya pa nga ba?
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
شِعرDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...