Sa dami ng akong tanong, binigyan mo ako ng kasagutan.
Ang isang sagot sa madaming tanong ang nagsilbing kasiguraduhan.
Marahil wala nga pero hindi mawawala ang aking pinangakuan.
Kung wala man silbi sa paningin, iyong damdamin ang aking bawat binitawan.
____
Ang bawat kilig na nadama, bawat linya na may halong kaba.
Sa bawat salita na hindi ipinagkaila, bawat saya sa pagsulat ng tula.
Walang pumantay sa emosyon na iyong pinakilala.
Kasi ang emosyon na malungkot, kahit ulit-ulitin mo, hindi ka magsasawa.
____
Balutin man ako ng lungkot at sari-saring emosyon.
Ang sarili'y hindi ko man maipagpatuloy sa darating na panahon.
Umabot man ng isang taon ang muling pagbangon, dadamdamin ko ang bawat sinabi mo ng araw na iyon.
Dahil kahit isang beses man lang, naramdaman ko ang kasiguraduhan sa boses mong mahinahon.
_______________________________
Author's Note: Yep, wala na. Pero patuloy tayo sa buhay makata.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...