Shet! Anong mahika 'to?!
Bawat larawan mo napapangiti mo parin ako!
Bawat kanta na pinapakinggan ko, namumuo parin sa tiyan ang mga paru-paro.
Nababaliw na nga ata talaga ako.
____
Sana yung lalaking natitipuhan mo, ganyan din ang trato saiyo.
Sana tratuhin ka ng maayos at ipakita ang halaga mo.
Sana ang bawat mensahe niya ay may laman na pagmamahal at pag-aaruga saiyo.
Yung tipo na kahit yung pagmumura niya ay mararamdaman mo ang pagmamahal nito.
____
Sa totoo lang, 'di ko inakala na susuportanhan pa kita sa taong gusto mo.
Sabagay, basta masaya, kahit sino pa yan ako'y suportado.
Sana sabihin mo lang saakin kapag iba na ang trato saiyo.
Pagtatanggol naman kita bilang kaibigan kahit alam kong matatalo lang ako.
_______________________________
Author's Note: Into my Life.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...