45th

9 1 0
                                    

Unti-unting nawawala ang binuo na kumpyansa.

Unti-unti ko rin ito binabalik sa bawat piraso na nawawala.

Hindi ko hahayaan na talunin ako ng biglaan ng walang paalala.

Kaya hindi ako titigil hangga't hindi lumalabas sa kanyang bibig ang mga masasakit na salita

____

Sumuko man ang iba, ibahin ako sa madla.

Ang lobo sa kagubatan ay patuloy parin maglalakad kahit mahiwalay sa kaniyang pamilya.

Kung ang hayop na ganoon lamang ay kayang magdesisyon ng maigi at maaga...

...ang tao pa kaya?

____

Hindi ako lobo, aso, o kahit anong hayop kung mag-isip o gumalaw.

Ako'y hayop lamang sa ugali at ang mga kagustohan ko'y mababaw.

Ako'y animal sa pag-asta pero kahit ang animal na sugatan ay sumusuko din balang araw.

Pero... pero hindi sa lahat ng bagay ay ia-asa lamang natin sa "balang araw", ang galaw ngayon ay deretsyo ang lakad hanggang ang kagustohan ay matanaw.

_______________________________
Author's Note: Nandemonaiya.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon