Sa bandang araw na ito ako'y nagbalik.
Mga lirikong hindi natapos ay tinatapos ng may sabik.
Kahit hindi sigurado na ang labi ay may maihahandog na halik...
...siguraduhin nalang na ang mga labi ay walang maiimik.
____
Yayaman ba ako? Sana.
Para sa ganoong paraan ang mga regalong hindi kilala ay maipapadala.
Para sa ganoong eksena na lamang kita mabibigyan halaga.
Dahil sa tagal natin magkakilala, sandali na oras lang ang aking naisalba.
____
Ang lalim no? Na parang ang mga sinasabi ko'y wala ng laman.
Hindi mo naman kailangan sisirin dahil mababaw lamang ang aking kasiyahan.
Pero sa lugar na malalalim na salita ang aking pinagbubuhusan...
...hindi ko man lang kayang sisirin ang sarili kong sinimulan.
_______________________________
Author's Note: I need sleep.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...