Sana, hindi mapaglaro ang mundo.
Sana, nanalo ako nung sumugal ako.
Sana, hindi ko nalang pinagisipan ang mga gawain ko.
Para sana, hindi ako napunta sa kalagayan na ganito.
____
Marami akong pagsisisi, marami akong pagkakamali.
Marami akong nasaktan at marami rin akong pighati.
Marami akong nabalewala at marami rin akong isinantabi
Kasi nung sumugal, akala ko lahat maitatama ko ng walang porsyento ng pagkakamali.
____
Sana, gumising ako ng may pag-asa.
Sana, lagi nalang akong masaya at panay tawa.
Sana, hindi nalang pala kita nakilala.
Sana, pinili ko nalang manatili sa ibang bansa para hindi ako umasa sa panandalian na saya.
_______________________________
Author's Note: Mga "sana" na hindi matutupad.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...