Usapang halaga, sumobra kana.
Usapang aruga, numero una ka.
Usapang pagmamayabang, pinagyabang na kita.
Pero usapang laro, wala naman akong pagkakataon manalo simula't umpisa.
____
Pinagusapan na namin ng pangalawa kong pagkatao,
"Bakit nga ba tayo natalo?"
"Bakit ka nga ba nagka-ganito?"
Sa totoo lang, hindi rin namin alam ang sagot dito.
____
Pasensya, hindi ko naman intensyon ang pasamain ang loob mo.
Wala ka naman kasalanan sa mga nangyayari sa buhay ko.
Kapag sumugal magisa, matatalo mag-isa, yan ang batas sa ganitong laro.
Kaya hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit wala ng saysay ang mga tula ko.
_______________________________
Author's Note: Talo nanaman tayo ~

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...