33rd

8 2 0
                                    

Sa mga nangyayari, mas dumilim ang aking kwarto.

Uminit na parang nagtambay sa impyerno.

Tumahik ang paligid na parang may nagmamasid na multo.

Nagsilapit ang mga pader at bumaba ang kisame na parang selda ko na ito.

____

Kung ang gustohin ka ay krimen, ikulong niyo ako.

Kung ang kailangan ay matuto edi magdamag akong magpapakatalino.

Gagawin ko lahat para lang makita ko ang konting pag-asa saiyo.

Kasi kahit kailan hindi ko naisip bitawan ang mga salita ko saiyo.

____

Marahil sa puntong ito, alam mo na lahat.

Sinabi ko na hindi ko papabasa saiyo pero mukhang simpleng banat ko'y hindi sapat.

Alam kong malabong magustohan mo ako dahil simple lamang ang manunulat.

Ang kalidad mo sa kalidad ko'y parang mansion ka at ako ang basurang nakakalat.

____

Aminado ako sa mga sinasabi ko.

Walang mintis o bahid ng kasinungalingan to.

Wala akong kumpyansa saiyo pero may kumpyansa ako sa mga sinasabi ko.

Pero kahit ganito, hinding hindi mo basta-basta mapapahina ang loob ng isang tao.

_______________________________
Author's Note: Kung hindi ka si Paula, buti binabasa mo ito? Kung ikaw nga si Paula, buti pinilit mong basahin ito?

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon