Kailan mo kaya ako kakausapin.
Ang mga message ko ay kailan mo kaya mase-seen.
Nakakatakot ka ng harapin.
Nakaka-kaba ka ng hanapin.
____
Ito ba ang paraan mo ng pagsasabi ng ayaw mo akong kausapin?
Ito ba ang paraan mo para nag katanungan ko ay hindi mo sagutin?
Ito nalang ba talaga ang paraan para ako'y iyong paalisin?
Sabihin mo nalang ng deretsyo kasi hindi naman ako titigil ng walang paumanhin.
____
Sabihin na natin na kailangan kong matuto magbasa ng tahimik na kasabihan.
Na kahit walang kibo o walang salita sa bawat usapan.
Kailangan kong matutong makapansin kapag pinapaalis ako ng taong aking hinahangaan.
Pero kaya kong maging binge at bulag pero ang bibig ko ay hindi titigil magbuga ng katotohanan.
_______________________________
Author's Note: Sumasalangit na ang aking diwa. Help.
![](https://img.wattpad.com/cover/220459485-288-k689620.jpg)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...