90th

4 2 0
                                    

Sana pala ako'y sinabihan.

Na kapag magmamahal ka ng ganito katagal, hindi mo parin magawang iwan.

Sana sinabihan niyo ako na kapag mahal mo ng sobra, sarili mo na mismo ang iyong kalaban.

'Di ako nainform, masyado na palang huli ang lahat no'ng aking nalaman.

____

Pero wag. Wag mo ng isipin 'yon.

Hindi naman ikaw ang nanakit eh, iyon naman ang aking sarili desisyon.

Wala ka namang ginawang masama, kusa akong nag-aksyon.

Ba't mo pa ako sisisihin, ako na nga ang lihim sa'yo ng pitong taon.

____

Wag kang mabulag sa tagal na iyon Paula.

Pitong taon pero hindi naman tayo ganoon magkakilala.

Naririnig at nakikita kita pero hindi naman kita makasama.

Anong magagawa ko? Naunahan ako ng takot at kaba.

_______________________________
Author's Note: Droga is no-no, but sometimes it's yes-yes.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon