Mas maganda ang tulog, mas malinaw ang panaginip kapag nagising kana.
Mas maalala mo ito na parang nangyari talaga.
Mas mararamdaman mo ito na parang nalipat saiyo ang mga sakuna.
Oo panaginip lang pero mistulang may part na masama.
____
Hindi siya bangungot, pero parang may parte narin iyon.
Parang 90% ang masaya at 10% ang malungkot doon.
Sa panaginip na sa sobrang saya, ayaw mo ng bumangon.
Pero hindi lang ba sa bangungot nangyayari ang hindi pagbangon?
____
Sa panaginip ko, natural na nandoon na si Paula.
Ayaw ko na uling matulog ng mapayapa kasi ayaw ko na ulit iyon makita.
Ayaw kong maramdaman ang pekeng kasiyahan at hindi totoong eksena.
Kung papatayin din ako ng kasiyahan, pipiliin ko nalang mamatay ng mulat sa totoo ang aking mata.
_______________________________
Author's Note: Masasabi ko kaya ito ng harap-harapan?

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesíaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...