80th

5 2 0
                                        

Sana makahanap ako ng mas magandang salita sa bawat tula.

Para naman maipadama ko na, mahalaga ka nga.

Sa mga nangyayari hindi na ako sigurado kung tama paba,

Kung tama pa nga ba ang mga salita na ginagamit ko bilang makata.

____

Sa tingin mo? Tama pa ba?

Tama pa ba na tumuloy ako sa pag hanga?

'Di ko na masagot, pero sana tama.

Para naman mayroon pa akong maibabaon na kaunting saya.

____

Ang bawat salita sa tula ay may tugma pero walang laman.

Akala ko magaling na ako pero sa totoo, ako'y nagkukuwento lamang.

Akala ko kapag umamin ako, mayroon akon kalalagyan.

Mayroon naman, isang kaibigan.

_______________________________
Author's Note: I want to pray for peace, and love.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon