34th

8 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumilipas, wala parin balita.

Mas nabibigyan lang ako ng masusulat sa koleksyon ko ng aking tula.

Ang mga pangyayari ay saaking nagsisilbing gasolina.

Itutuloy ang hangarin magsulat kahit ang hangarin ko na magustohan mo ako'y mawala.

____

Aabot ka kaya sa punto na ito?

Nabasa mo kaya ng sunod sunod ang mga tula ko?

Kung hindi mo pa napapansin, lahat ng mga sinulat ko'y para saiyo.

Hindi ako mabibigla kung hindi mo napansin, ako nga hindi mo napansin kahit paulanan kita ng mensahe ko.

____

Kung umabot ka man dito Paula, congrats, nalaman mo na.

Ano ngayon kung binunyag ko sarili ko, at least hindi ako ng duwag 'di ba?

Mas lalo ka man mawalan ng gana, itutuloy ko parin ang mga tula.

Talambuhay ko ito ang pagsusulat, at parte ka ng aking storya.

_______________________________
Author's Note: Hindi ba kayo napapaisip katulad ko kung bakit ganito ako mag-isip?

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon