Masyado na nga kitang iniisip eh, isip ko'y nakakalog.
Nahihirapan narin akong makatulog.
Sa kakatingin ko sa mga larawan mo, ramdam ko na ito'y masusunog.
Lakas ng tama mo eh, maituturing na kitang kulog.
____
Kinakausap ko narin ang iyong multo.
Naliligaw narin ako sa sarili kong kwarto.
Parang karamamdaman ng taong naghihingalo.
Kasi ang isipan ko'y punong puno at lahat ng bagay naghahalo.
____
Pwede narin natin sabihin na ikaw ang dahilan ng paggising sa umaga.
Pagmulat, sabay hawak cellphone para ang mga bago mong post ay makita.
Ikaw lang naman ang binibini na gusto kong makita.
Magikero ka nga, sa bawat lugar na iyong pupuntahan ay ikaw nalang ang aking nakikita.
_______________________________
Author's Note: Oof almost got caught by the prison guard.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
שיריםDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...