Bakit ba na-adik na ako sa'yo?
Dumating na ako sa punto na bawat gabi kakausapin ko sarili ko.
Tatanungin ko kung bakit ang torpe ko sa'yo.
Sasagutin ko rin dahil alam kong ako lang makakasagot nito.
____
Hindi ka Cocaine, hindi ka rin LSD.
Hindi ka damo, mas lalong hindi ka DMT.
Lahat ng droga nasubukan ko na pero kakaiba ka binibini.
Ikaw ang droga na maganda para saakin at wala parin akong pagsisisi.
____
Oo, adik ako, adik at sabik na manligaw.
ADIK AKO KAY PAULA, ANG SALOOBIN KO'Y LUMILITAW!
Sa sobrang lakas ng tama mo saakin, ako'y iyong napasigaw.
Isa kang droga na kung saan ang puso ko'y iyong napukaw.
_______________________________
Author's Note: Totoo na marami na akong "pagkakamali" na ginawa sa buhay ko, pero matagal na iyon. Mistulang vape na lamang ang nagpapasaya saakin ngayon :<
![](https://img.wattpad.com/cover/220459485-288-k689620.jpg)
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...