17th

10 2 0
                                    

Marami na akong nakilala at nakasamang babae.

Sa bawat babae ay iba't ibang landas ang aking nadadali.

Iba't ibang emosyon ang nasasali.

Iba't ibang katarantaduhan ang nangyayari.

____

Ang storya ko sa bawat isa ay kakaiba.

Malambing, matalino, mapagkumbaba.

Masiyahin, suplado, at marami pang iba.

Doon ko napansin na sa bawat babae, ang totoo kong ugali ay hindi ko pa naipakita.

____

Nakakatakot maging ako dahil ako ito.

Simpleng adik na nahulog sa babaeng matino.

Magandang boses, magandang mukha, pati narin ang saloobin mo.

Marami na akong nakasamang babae, pero kakaiba ka dahil ang tunay kong ugali ay nakilala mo.

_______________________________
Author's Note: Siguro naman na in-love na kayo so alam niyo naman kung bakit ako ganito.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon