22nd

10 2 0
                                        

'Di mo naman kailangan sabihin.

Ipaparamdam ko na kakaiba ka sa lahat at kaya ko itong patunayin.

Ipapakita ko sa'yo kung gaano ka kahalaga saakin.

Ipapakita ko kung gaano ako natatakot na may iba na maaring puso mo'y nakawin.

____

Competitive ako, pero hindi halata.

Gagawin ko ang lahat basta mapanatili kitang masaya.

Kapag may bumili ng regalo para sa'yo, ako naman ay gagawa ng regalo na wala pang nakakagawa.

Kapag may nagpangiti saiyo, suporta ako pero gagawin ko parin lahat para ika'y aking mapasaya.

____

Sa recent searches ko nga, ikaw lang lagi andoon.

Ayaw kong mag search ng iba dahil gusto ko ikaw lang makikita ko doon.

Ikaw lang kinakamusta ko ng araw-araw bago matulog at pagkatapos bumangon.

Kapag may problema ka pero ayaw sabihin, maalis ko ang negatibo na sayo'y umaalon.

____

Wala akong palya kapag kakamustahin kita.

Kahit kumakain ako kakausapin parin kita.

Lagi akong nakatambay sa profile mo para makapag react agad sa mga posts or kanta.

Laging pinapakinggan ang covers mo dahil iyon ang saaking nagpapakalma.

____

Siguro nga mahal na kita.

Siguro nga totoo na itong aking nadarama.

Natatakot na nga akong mawala ka, natatakot pa akong ika'y magka problema.

Dahil ayaw kong maramdaman mo na ika'y nag-iisa.

____

Oo, sa ngayon hindi mo man inaamin na ika'y may problema.

Masakit dahil gusto kitang tulungan kapag ika'y hindi masaya.

Pero tandaan mo na sa kahit anong pagsubok, ako'y iyong kasama.

Problema mo, problema ko rin. Kagaya ng sinabi ko, "Masaya ako as long as masaya ka"

_______________________________
Author's Note: Napahaba itong tula, medyo mabigat lang dinaramdam kaya dinaan nalang sa pagsulat ang problema.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon