Ang sakit pala makita na napapangiti ka ng sobra.
Masakit na parte doon ay nanggagaling saya mo sa iba.
Kapag sa iba, mas mukha kang masaya.
Masakit sa part ko dahil sa sarili ko doon ako nadidismaya.
____
Kahit anong inumin ko alak, iba ang tama nito.
Ayaw kong bumalik sa sigarilyo dahil alam kong hindi niya gusto ang lalaki na naninigarilyo.
Sa tula ko nalaman nasasaad ang nararamdaman ko.
At hindi ko alam kung saan ko kukunin ang lakas para ipabasa sakanya ang mga ito.
____
Ang sakit dahil alam kong hindi mo malalaman ang totoo.
Ang totoo na gusto kita at araw-araw may tula ako para saiyo.
Tula na kung saan sinusulat ko ang bawat naiisip ko.
Ang sakit dahil may posibilidad na mawalan ka rin ng pake sa mga gawa ko.
_______________________________
Author's Note: Kahit gaano man kasakit ang mga pagsubok, mas masakit kapag hindi ka sumubok.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...