Isang araw lang, yung walang mararamdaman na sakit, gusto kong ipahinga.
Hindi ko man magawa, mas pinipili kong makita ka.
Ayaw kong isipin mo na kasalanan mo kung bakit ganito ang aking dinadama.
Kasalanan ko kasi, kahit aware ako, tinuloy ko pa.
____
Anong point ng gugustohin kita kung hindi ako mabibigo?
Una palang alam ko naman na talo agad ako.
Hinding hindi ako mananalo kasi mukha pinaka huli ang sa standards mo.
Pero pipilit ko parin, tawagin man nila akong matapang o bobo.
____
Darating pa kaya ang araw na makakausap kitang muli?
Mukhang malabo ng makita ang dulo pero masyado ng malayo para ako'y makauwi.
Babalik o tutuloy? Ginhawa o pighati?
Sugat man o lunas, mas pipiliin ko tanggapin ang mga bagay na ibibigay kapag sayo ako masawi.
_______________________________
Author's Note: Basta si Paula, siya lang. Walang iba. Gets? Hindi? Okay.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesíaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...