6th.

20 2 0
                                    

Gusto kong mangarap na may pagkakataon ako sa'yo.

Gusto kong isipin na magugustohan mo rin ako.

Gusto kong angkinin ang iyong buong pagkatao.

Madamot ako sa paraan na ikaw lang ang ipagdadamot ko.

____

Gusto kong harapin ang takot na aking dinadama.

Kinakabahan at napapraning kapag nakikita kita.

Dumarating sa punto na pati ang aking paghinga ay nahihirapan na.

Okay lang saaking ma ospital basta alam kong ikaw ang mag-aalaga.

____

Alam mo, hindi mo alam.

Mas pinipili kong managinip na mayroong tayo kahit maubusan ako ng ulam.

Mas gusto kita kaysa sa iba dahil ika'y napakainam.

Gusto ko sanang may masimulan tayo imbes na dumeretsyong magpaalam.

_______________________________
Author's Note: Sana ang simpleng kagustohan natin ay maging posible sa mundong puno ng imposible.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon