Tinanong ako ng barkada, ano nga ba nagustohan ko sa'yo?
Bukod sa boses, mabait ka at magarbo.
Masiyahin at matalino.
Kahanga-hanga ang buong pagkatao.
____
Gusto kong manatili sa dilim at magkunwaring ako ang iyong anino.
Kasama mo ako sa bawat lugar na pupuntahan mo.
Masaya na ako kahit hindi mo laging napapansin ang presensya ko.
Basta magagabayan lang kita sa bawat lakad at hangarin mo.
____
Balewala ang iba pagdating saiyo.
Ikaw yung binibini na bumighani sa aking puso.
Kahit ang isip ko'y iyong pinuno.
Marahil ikaw na lamang ang iniisip sa bawat paggising at pagtulog ko.
_______________________________
Author's Note: Oh ngayon alam niyo na kung bakit ganito ako 'di ba? Sino nga ba naman hindi hahanga sa taong tulad niya.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PuisiDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...