70th

5 2 0
                                    

Sa magkasalungat nga ba na mundo tayo magkikita?

Sa bawat oras na mayroong sandali doon lamang ba tayo magkakilala?

Sa lugar na malayo pati karamdaman ay lumalayo narin sa isa't isa?

Sa kwento ko nalang ba maipapakita na hindi naman talaga ako masaya?

____

Maraming bagay ang mananatiling hindi klaro.

Isali natin sa dilim ang bawat hangarin at anino.

Alisin natin ang ilaw na bumubulag sa mga mata na malabo.

Ikulong ang isip sa 4 na pader at ibuhos lahat sa kwaderno.

____

Matagal ko ng alam, na hindi magtatagal ang lahat.

Matagal man ang sinikreto pero lahat ay naging bukas na aklat.

Dinaan sa pagtago-tago at sa pagpapakita ng mga sinulat.

Inakala na kapag may nabasa baka ang mga mata niya'y maimulat.

_______________________________
Author's Note: Swerte naman ng taong gusto mo.

Paula? (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon