Kapag may problema ka, sana sabihin mo.
Kahit ako'y nakakahalata, walang palag kung hindi mo rin aaminin 'to.
Kahit kitang kita ko sa 'yong mga mata, ang kaya ko lang gawin ay punasan man sakali ang luha mo.
Kasi kapag hindi mo inamin, napapaisip ako na baka hindi ako pantay sa kalidad na iyong gusto.
____
Paano na kung ang pag-uusap natin ngayon ay mawala?
Paano na kung yung pagtawa mo ay mapalitan ng problema?
Paano kung ang kaisa-isang binibini na gusto ko ay sumuko na?
Paano na ako. Saan na uli ako kukuha ng lakas para ngumiti pa?
____
Pero kung iyon ang magiging kagustuhan ni Paula, tatanggapin ko.
Pinangako ko sa sarili ko na susuportahan ko siyang maging masaya kahit wala man ako.
Kahit na ako'y maging istorbo, pilit akong hahanap ng paraan para maialis ko ang negatibo.
Pero... pero paano kung maputol na ng tuluyan ang koneksyon namin? Pano kung ang pinangarap kong makasama siya hanggang dulo.... ay maputol na dito?
_______________________________
Author's Note: Corny ba? Pake ko.

BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoesiaDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...