Okay lang saakin kahit tulogan mo ako.
Kahit hindi ka mag-reply sa bawat message ko.
Kahit yung oras na mayroon ako binibigay ko sa'yo...
... okay lang kahit hindi mo maibalik ito.
____
Tinatanong ko ang sarili ko, sino nga ba ako?
Sino at ano ang posisyon ko sa buhay mo?
Hindi mo ako jowa o barkada, mistulang taong kakilala mo lang ako.
Ang posisyon ko ang pinakaunang hakbang katapos maging estranghero.
____
Okay lang kahit hindi ka magpaalam saakin.
Kahit abutin ka ng dalawang oras bago ang mensahe ko ay iyong basahin.
Kahit sa susunod na araw ka nalang mag seen.
Sino nga ba naman ako para pagtuonan mo ng oras at ako'y iyong mahalin.
_______________________________
Author's Note: Kahit masakit ang pakiramdam, tuloy parin sa pagmamahal. Ganoon talaga kapag nagmahal ka. Tatalon ka kahit alam mong walang kasiguraduhan ang pag-sapo saiyo.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
ŞiirDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...