Sabihin na nating may patutunguhan tayong dalawa.
May lugar na kung saan pwede tayong magkita.
Sa lugar na 'pag tinanong kita ay paniguradong may sagot ka.
Katapos marinig ang iyong "Oo" sisiguraduhin ko na ika'y mananatiling masaya.
Palaging naka-tawa na parang may tama na tayong dalawa.
Ikaw ang bunga kapag minulat ang mga mata sa umaga.
Ikaw ang parating kasama sa'n man magpunta.
Palagi akong may mensahe kapag may lakad kaming magbabarkada.
Hindi mo narin kailangan isipin na may iba akong babae dahil wala naman silang laban pagdating sa'yo diba?
Isa kang magikero dahil ikaw nalang ang babaeng nakikita ko.
Mga tao sa paligid nawawala lalo na kapag magkasama tayo.
Mga paruparo sa aking tiyan ay hindi nawawala na parang pinapalamon mo saakin ito.
Puso ko'y laging masaya na parang babad sa omega-3 ito.
Pero, kapag lang naman naging tayo.
Kahit "hindi" ang sagot mo kapag tinanong kita, patuloy parin ang paghanga ko saiyo.
Kahit naiistorbo kita ay patuloy parin akong gagawa ng paraan para manatili sa aking pwesto.
Kahit sobrang busy ng araw ko palagi kang may oras saakin basta tawagin mo lang ako.
Darating naman ako.
Walang kaba, walang palya.
Tawagin mo lang ako panigurado darating ako Paula.
Pangako na wala akong ipapangako.
Lahat ay papatunayan at wala kang kailangan itaga sa bato.
Lahat ng sasabihin ay gagawin dahil hindi lang puro sabi ito.
Sa bawat hakbang mo, ako'y suportado.
Sasapuhin ko lahat ng negatibong emosyon basta't ika'y manatiling positibo.
Kahit ang pera ko'y munting pamasahe, gagastusin ko parin ito papunta sa'yo.
Lakarin ko man pauwi, okay lang, basta't alam kong ika'y malayo sa delikado.
Kahit kasing payat lamang ako ng isang piraso ng pepero,
Tandaan mo na hindi ka pwedeng bastusin ng kahit na sino.
Kahit pag dating sa away ay sigurado ang aking pagkatalo,
Masaya ako basta't katapos sayo ako'y panalo.
Mabasag man ang aking kamao.
Mapuno man ng pasa ang mukha ko.
Magkasugat man ng malalim ang bawat parte ng katawan ko.
Makita lamang kita na ligtas ay kaagad na magaling ako.
Ang saya sana 'no?
Sana kapag dumating ang araw na tatanungin kita, sagutin mo ako.
"Oo" man o "hindi", tandaan mo na magiging masaya parin ako para sa'yo.
Dahil hindi ko kailangan ibase sa relasyon natin ang mga aksyon ko.
Basta't masaya ka, masaya narin ako...
...kahit hindi man tayo.
_______________________________
Author's Note: Bonus lang, hindi pa tapos. Wala pang kami eh! It's exactly 5:18 ng umaga ngayon, wala pang tulog kakaisip sa babaeng ito. Kahit 'di niyo magustohan mga tula ko basta sana magustohan niya ako.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...